Add parallel Print Page Options

Kanilang nilulukso ang lunsod;
    kanilang tinatakbo ang mga pader;
kanilang inaakyat ang mga bahay;
    sila'y pumapasok sa mga bintana na gaya ng magnanakaw.

10 Ang(A) lupa ay nayayanig sa harap nila,
    ang langit ay nanginginig.
Ang araw at ang buwan ay nagdidilim
    at ang mga bituin ay nawawalan ng kanilang kaningningan.
11 Pinatutunog(B) ng Panginoon ang kanyang tinig
    sa unahan ng kanyang hukbo;
sapagkat ang kanyang hukbo ay napakalaki,
    siya na nagsasagawa ng kanyang salita ay makapangyarihan.
Sapagkat ang araw ng Panginoon ay dakila at kakilakilabot;
    sinong makakatagal?

Read full chapter